Biyernes, Oktubre 25, 2013

Talaarawan blg.9

OKTUBRE 25, 2013

               Sa araw na ito,aming tinalakay at sinagutan ang gawaing may kinalaman 

sa paghahambing kina Felipe/Delfin at Crisostomo Ibarra/Elias at kamiy sobrang saya dahil 
hanggang matapos ang oras ng filipino kamiy nagtatawanan.

Huwebes, Oktubre 24, 2013

Talaarawan blg.8

OKTUBRE 24, 2013

              Sa araw na ito,aming tinapos ang pangkatang gawain tungkol sa akdang 

Banaag at Sikat.At pinagawa sa amin ang isang gawain sa paghahambing kina Felipe/Delfin at Crisostomo Ibarra/Elias ngunit hindi ito tinapos kaya't pinatakdang aralin na lamang sa amin ito.

Miyerkules, Oktubre 23, 2013

Talaarawan blg.7

OKTUBRE 23, 2013
  

                Sa araw na ito,aming pinagpatuloy ang pagtalakay sa akdang Banaag at Sikat

 at iniulat din namin ang pangkatang gawain na hindi natapos.Nagkaroon kami ng takdang araling magkaroon ng Buod ng Noli me Tangere at ang patungkol kay Crisostomo Ibarra at si Elias.

Martes, Oktubre 22, 2013

Talaarawan blg.6

OKTUBRE 22, 2013

                   Sa araw na it, aming  tinalakay  ang tungkol sa akdang  Banaag at Sikat

 ni Lope K. Santos at amin ding tinalakay ang tungkol kay Lope K. Santos at
 ang kanyang buhay bilang isang manunulat .Nagkaroon kami ng pangkatang gawain tungkol dito ngunit nagkulang na sa oras at pinatakdang aralin na lamang ito.

Lunes, Oktubre 21, 2013

Talaarawan blg.5

OKTUBRE 21, 2013
            
                 Sa araw na ito, Ipinagpatuloy namin ang akda na ''Luha''

 at pagkatapos ay ipinasa ang takdang aralin na liham na para sa magulang.
at kami'y binigyan ng takdang aralin na basahin at magkaroon ng akdang
baag at sikat ni lope k. santos

Biyernes, Oktubre 18, 2013

Talaarawan blg.4


OKTUBRE 18, 2013
        
   Sa araw na ito , amin namang binalikan ang tungkol sa akdang
 Luha ni Rufino Alejandro. Kami ay nagkaroon ng gawain na kailangan naming
 makuha ang bisang(pangkaisipan o pangdamdamin) 
nais ipahayag sa gawain.
                     Ang natutunan ko mula sa akdang pinag-aralan ''ay marapat lamang 
na ang mga pinapayo ng ating mga magulang ay sundin dahil ito'y para rin sa atin''
Ang nais lamang ng ating mga magulang ay mapabuti tayo at huwag maligaw
 ng tatahakin landas sa buhay .
                    Pagkatapos naming sagutan ang gawain
,kami ay nagkaroon ng takdang aralin na magsulat ng liham para sa magulang
 tungkol sa paghingi ng patawad sa mga maling nagawa at pagkakasala at 
ito'y ibibigay sa mga magulang.

Huwebes, Oktubre 17, 2013

Talaarawan blg.3

OKTUBRE 17, 2013(Huwebes)

Sa araw na ito ay wala ang aming guro sa filipino na si Gng. Mixto

 kaya ang lahat ay gumagawa ng kanilang mga takdang aralin sa mga ibang asignatura at ang iba naman ay nagdadaldalan sa kanilang mga upuan.

Miyerkules, Oktubre 16, 2013

Talaarawan blg.2

OKTUBRE 16, 2013(MIYERKULES)
              Sa araw na ito,aming pinagpautloy ang akdang Luha Ni: Rufino Alejandro at aming sinagutan ang ipinagawang gawain ng aming guro.
                 Ang natutunan ko sa akdang Luha ay ang "Bago gumawa ng isang desisyon isiping mabuti ang maaari nitong kahinatnan ng sa gayon wala tayong pagsisihan".
                Pagkatapos ay ibinigay na  sa amin ang listahan ng mga akdang aming tatalakayin sa mga susunod naming pagkikita.Ito'y ipapaimprenta sa araw na aming kakailanganin.

Lunes, Oktubre 14, 2013

Talaarawan blg.1

OKTUBRE 14, 2013(Lunes)

              oktubre ika -14 ay,natapos na ang aming pagsusulit sa lahat ng aming mga asignatura.Kaya ngayon  kami ay nagsimula muli ng panibagong aralin sa Filipino III.
                  Tinalakay namin ang tungkol sa tulang "Luha: ni Rufino Alejandro.

Ito'y tungkol sa batang lalaking lumaki sa kanyang mga magulang ng maayos at may disiplina subalit nalihis ang kanyang landas nang hindi niya sundin iyon kaya't ng tumanda siya ay labi labis ang kangyang pagsisisi.Dahil diyan, kami ay naatasang gumawa ng buod ng tula sa pamamagitan ng talata.Pagkatapos niyon ay ipinasa na ang nasabing gawain at siya nagbigay ng takdang aralin na ipaimprenta ang nasabing tula.