Martes, Disyembre 31, 2013

Masayang bagong taon ^_^

Pinilit kong gumaling ngayong araw na ito dahil alam kong uuwi si mama ngayon,kaya naman mdaling araw pa lang ay inaantay ko na si  mamang kumatok,saktong ala singko  kumatok si mama agad ko namang binuksan niyakap at hinalikan ko si mama :).Ang dami daming dala ni mama hehe :) kahit inaantok pa man ang mga kapatid ko ay gumising agad sila dahil nandito na naman si mama kasama namin at dahil narin sa may ragalong dala si mama para sa amin at siyempre meron din kaming regalo para kay mama :).Sama sama naming niluto ang mga handa namin sa darating na bagong taon,sama sama rin naming inaantay ang pagpatak ng alas dose o bagong taon ,medyo busog busog puro kain eh,,hehehe alas dos na kaming madaling araw nakatulog .:)

Linggo, Disyembre 29, 2013

DECEMBER 29-30 Nakakainis at nakakapagot ^_^

Nilalagnat ako ng araw na ito,buti na lamang ay inalagaan ako ng bunsong kapatid ko.:/

Sabado, Disyembre 28, 2013

Pagod na masaya po ^_^

Sabado na naman po ulit ! Ngayong araw na ito tinanghali na ako nang gising dahil narin siguro sa pagod ako sa gala kahapon :) inumpisahan ko agad ang paglalaba kahit hindi pa ako nag aalmusal kaya naman natapos ako sa paglalaba ng iksaktong alas dose ng tanghali kayan naman  si kuya na nag pinagsamapay ko ng nilabhan,agad namang nagluto ang magaling kong bunsong kapatid ng makakain namin medto galit pa nga eh tamad kasi sanay kasing paggising niya ay kakain na lamang .umagahan ko ay tanghalian ko na rin kaya naman ang dami kong kinain nagutom kasi ako ng sobra eh,pagkatapos kong maghugas ng  plato at maglinis nbg bahay ay may biglang dumating at kumatok sa pinto si erin ang isa sa mga pinakamatalik at pinaka mahahal kong kaibigan hiniramn niya ang portpolyo ko sa english ,nagkuwentuhan kami ni erin at nanuod ng t.v ang dami namin parehong kwento haha kulang nga ang isang araw eh hahahah ,bago maggabi y umuwi narin si erin.Nagluto ako kagad ng hapunan namin kumain ako kaagad at natulog kapagod eh.^_^

Biyernes, Disyembre 27, 2013

Oras na lumipas ^_^

Ngayong araw na ito,maaga akong nagising naglinis,nagluto at naligo bago magtanghali ay may sumundo sa akin sa bahay namin :) pumunta kami sa marikina (river park)tanghaling tapat :) nag ikot ikot kaming dalawa sa tianggian namili ng mga bagay na nagustuhan namin kumain din kami ng paborito kong kwek kwek,fishball at kikiam ,hindi namin parehong napansin ang oras inabot kami ng hapon kaya naman umuwi na kami agad medyo ginabi na kami ng uwi hindi naman gabing gabi ,gbai lang ala sais na siguro yun,buti na lang pag uwi ko ay may pagkain na kaya naman kumain ulit ako hahhah puro na lang kain :) pagkatapos ay natulog na ako.

Huwebes, Disyembre 26, 2013

Biyahe ^_^

Ngayong araw na ito,tanghali na kaming dalawa ni mama nagising kaya naman nakaalis kami sa bahay ng tita ko ng iksaktong tanghali.Matagal tagal din ang biyahe dahil narin siguro sadami ng tao .Hapon na kami nakauwi ng aking mama,pag uwi sa bahay ay agad din umalis si mam para bumalik nasa kanyang trabaho at ako naman ay nahiga at natulog na lamang ,nagising ako ng iksaktong alas nueve ng gabi napasarap ata tulog ko.:) kumain ako at nakinig ng radyo hanggang sa nakatulog  ako.^_^

Miyerkules, Disyembre 25, 2013

gala kami .^_^

Ngayong araw na ito ay maaga kaming nagising ng aking mga kapatid para umuwi sa bahay at upang maabutan kami ni mama na nandoon kami :) naligo narin kami ng maaga dahil alam naming aalis kami napag usapan na namin nila mama na pupunta kaming luneta eh.nakabihis na kaming magkakapatid inaantay na lamang namin si mama na dumating alas otso na nakadating si mama syempre niyakap at hinalikan muna namin si mama lagi naman eh,umalis kami agad sa bahay para gumala na ngunit sinabe ni mama na hindi na kami sa luneta sapagkat masyadong marami ang mga tao dun kaya naman sa taytay na lamang pumunta
inabot na kami ng gabi sa pagggala gala kaya naman naisipan namin ni mama na doon na lamang matulog sa aming tita na kapatid niya sa angono ngunit ang aking dalawwang kapatid ay nagpasya ng umuwi sa bahay kaya naman kaming dalawa na lamang ni mama ang naiwan .

Martes, Disyembre 24, 2013

Pasko ! ^_^

Ngayong araw na ito inaasahan na namin ang pagdating ni mama kaya naman madaling araw pa lamang ay gising na ako at nag aantay na kay mama,ngunit nag text siya ng ala sais sinabi niya na hindi siya makakauwi at may ipinadala na lamang na mga pagkain at pera sa amin,sipag tlga ng mama ko kaya mahal na mahal ko yan eh pero kahit ganun pa man ay ayos lang.Sumama ako sa aking mga tita sa pamamalengke sa bayan para sa mga ihahanda ngayong darating na pasko.Ang dami daming tao sa palengke kaya naman natagalan kami nakauwi kami ng maggagabi na kaya naman doon na ako natulog kila tita tinext ko na lamang ang aking mga kapatid na doon muna kami sa aming mga tita mag nuche buena kesa naman tatlo lang kami sa bahay .Nagising ako ng alas dyes ng gabi at tumulong na sa paghahanda ng mga pagkain.Sama sama naming sinalubong ang pasko kahit na wala sila masaya pa rin naman alam naman namin babawi si mama bukas eh.

Lunes, Disyembre 23, 2013

Puro na lang Tulog ^_^

Ngayong araw na ito,nagising ako ng tanghali at dali daling naligo at naglinis ng bahay wala naman akong masyadong ginawa kaya naman naisipan ko na lamang na pumunta na lang sa aking mga tito at tita diyan lang naman yun banda ^_^.Kasama ang aking mga pinsankung cutena maliliit,kami ay naglaro ng naglaro dahil namiss ko rin sila ,sa sobrang kalalaro ay pare pareho kaming nakatulog sa sala  ^_^,nagising na ako ng hapon kaya naman umuwi na ako kaagad at nagluto na ng aming hapunan pagkatapos ay natulog na ulit ako.

Linggo, Disyembre 22, 2013

Tinulugang gawain .^_^

Ngayon araw ng linggo ay maaga akong nagising dahil may lakad kami ng isa sa mga mahal ko sa buhay,etchoss ^_^ naligo ako ng maaga at kumain,kami ay nagsimba sa antipolo pagkatapos ay dumaan rin kami sa simenteryo para dalawin ang aking pinakamamahal na papa pati narin  sa pinakamamahal naming lolo,Pagkaggaling naming simenteryo ay kumain muna kami diyan lng sa kwek kwekan ^_^ gustong gusto ko tlga ng kwek kwekng ng may kasamang buko juice.Pagkatapos naming kumain ay inihatid niya akong pauwi at umuwi narin siya.Pagdating ko sa bahay ay tulog parin ang aking mga kapatid,kaya naman nagluto na ako makakain namin sa tanghalian,pagtapos kumain ay naglinis ako ng bahay,hinalungkat ko ang mga lumang damit ko,na balak ko ng ipamigay dahil sa pagod ko sa pag aayos ng mga gamit ko ay nakatulog ako,nagising na lamang ako nang malakas na kumatok ang kapatid ko sa pinto dahil gabi na naman.^_^
Nagluto at kumain na kami at ipinagpatuloy ko na lamang ang naudlot kong tulog kahit hindi ko man natatapos ayusin ang mga gamit ko .^_^

Sabado, Disyembre 21, 2013

Mapagpalang araw ^_^

Ngayon araw na ito'y nagising ako ng maaga sabado na naman eh ,ako na ulit si JUDY LABANDERA ^_^
medyo marami ang lalabhan ko ngayon dahil isinama ko narin sa paglalaba ngayon ang mga maruruming punda at kurtina namin sa bahay,pero bago ako maglaba nag almusal na muna ako para may lakas ^_^.natapos ako sa paglalaba bago magtanghali kaya naman dali dali na akong nagluto ng pananghalian naming magkakapatid sa araw na ito,Sabay sabay kaming kumain at siyempre pagod nako  hndi ako ang naghugas ng plato :') . natulog ako kaagad dahil sa pagod ako.
nagising ako ng mga ala sais,paggising ko ay nakapagluto na si kuya ng hapunan namin kaya naman paggising ko ay kumain ako kaagad at nanuod na lamang kami ng t.v at natulog narin .^_^

Biyernes, Disyembre 20, 2013

Hindi ko inaasahan .^_^

Ngayong araw na ito,nagising ako tanghali dahil narin siguro sa pagod at sa sama ng pakiramdam ko kahapon.Wala akong masyadong ginawa naglinis ako ng aming bahay at nagtanggal ng mga kurtina at mga punda para labhan bukas ng sabado,pagkatapos ay nagluto na ako ng aming  kakainin sa araw na ito pagkatapos ay natulog na ako.Hindi ko inaasahang kinahapunan ay binisita ako ng isa sa mga kaibigan kong babae sa aming bahay kami ay nagkwentuhan ng nagkwentuhan at kumain rin kami hindi namin namalayan ang oras at gabi na pala ng ala syete ng gabi ay umuwi naren siya, ang saya saya ko nun dahil may nakaalala saking kaibigan ko nung araw na iyon.Nagluto na ako kaagad ng aming kakainin sa hapunan pagkatapos ay natulog na ako kaagad sapagkat ako na naman si judy labandera bukas ng umaga sabado na eh .^_^

Huwebes, Disyembre 19, 2013

CHRISTMAS PARTY! ^_^

Ngayong araw na ito ay ''CHRISTMAS PARTY  '' na namin (III-DIAMOND).Maaga akong nagising maagang naghanda ng mga dadalhin at susuotin para sa aming christmas party kaya naman labis labis ang aking kasiyahan at may halong kaba narin :) sapagkat ako'y naeexcite sa mga itsura ng aking mga kamag aral at ang magiging resulta ng aming christmas party sa ikatlong taon sa sekondarya ^_^.Hindi pa man natatapos ang aming party hindi ko inasahang ako ay tinawag ng kalikasan,kaya naman dali dali akong umuwi sa bahay saglit (nakakahiya kasi eh .)Pagkatapos kung inilabas ang sama ng loob ko.Pagkatapos ay dali dali na akong bumalik sa paaralan ,pagdating ko ay saktong patapos na at nagbibigayan na ng kanya kanyang mga regalo :") ang araw na'to ay sobrang saya at nakakapagod kaya naman pagkatapos ng party ay umuwi ako kaagad at natulog sapagkat hindi maganda ang aking pakiramdam ng mga oras na yun ^_^

Miyerkules, Disyembre 18, 2013

yehey .! :) HANEP ^_^

Sa araw na ito,maaga akong pumasok sapagkat ang aming klase ay hanggang alas nueve (9:00)lamang kaya naman ganado akong pumasok sapagkat huling araw ng pagkakaklase ngaun.Ang bawat asignatura sa aming klase ay 30 tatlongpung minuto lamang kaya naman masaya kaming lahat :'),sa asignaturang filipino namin ay masaya sapagkat ilan sa amin ay nagtanghal ng kani kanilang mga talento ^_^ .Pagkagaling sa eskwela ay umuwi ako agad at natulog :)

Martes, Disyembre 17, 2013

nakakatuwa ^_^

Sa araw na ito,nakapasok naman ako ng maayos at nakapag almusal naman ako.Punong puno ang aking bag sapagkat dala ko ang mga portpolyo at mga kwadernong ipapasa sa araw na ito ,masaya naman ako sapagkat naipasa ko ang dapat na ipasa sa araw na ito :).YehEY. ! masaya rin ako sa oras ng asignaturang filipino sapagkat ang bawat pangkat ay nagtanghal ng kani kanilang mga inihandang presentasyon kaya naman medyo nahiya lang akosa presentasyon namin dahil sa tingin ko ay hindi maganda ang aming tinanghal :)sa araw na ito, pero kahit ganon pa man ay ayos lang masaya naman kaming tinanghal ito eh :).umuwi ko ng maaga  at kumain at nagpahinga na,dahil medyo pagod din :).

Lunes, Disyembre 16, 2013

Ayos naman ^_^

Lunes na naman po,syempre gumising ng maaga kasi may flag ceremony :)ayos naman ang mga pangyayari sa araw araw :') sa aming klase karamihan sa aming mga kamag aral ay wala sapagkat kasama silang pumunta sa san jose antipolo city jail.:)sa araw ding ito kami ay nagkaroon ng pgsusulit sa ibat ibang asignatura sa aming klase.pagkagaling sa eskela ay umuwi ako ng maaga sa bahay,kumain at nagpahinga lang ^_^

Linggo, Disyembre 15, 2013

nakakamiss naman ! ^_^

Ngayong araw ng linggo balak ko sanang magsimba mag isa ,ngunit naalala kong marami pa pala akong gagawin tulad na lamang ng mga portpolyo at mga kwaderno na ipapasa na ngayong darating na linggo :)
Dumalaw ang aking mga kaibigan sa aming bahay namiss ata ako eh Charoot .  :) dinalhan nila ako ng paborito kong ''CHICHARON NI MANG JUAN'' at sama sama namin itong pinagsaluhan at nagkwentuhan at bago gumabi ay umuwi narin sila agad :).

Sabado, Disyembre 14, 2013

masaya't busog po ^_^

Haysst.Sabado na naman . Naglaba na naman si judy na labandera :) syempre ganon parin nkkapagod maglaba dami kasi laging tambak eh :). pero kahit ganon may awa naman angkuya ko kahit paano kaya naman nilutuan niya ako ng paborito kong adobong manok :') nagpadala narin kasi si mama ng pera samin sa araw na ito.Masaya naman busog ako eh,masaya rin kasi may pera na ulit ako heheh ^_^

Biyernes, Disyembre 13, 2013

hehehehhehehe ^_^

Sa araw na ito,syempre pasok ako maaga :) officer kasi ,pinag usapan din namin ang mga kakailanganin sa darating na ''christmas party'' namin :) pagkatapos ay umuwi ako ng maaga  uapang maumpisahan ko na ang aking mga gagawing mga portpolyo sa ibat ibang asignatura na malapit ng ipasa :).Medyo pagod lang ng kinagabihan kaya naman natulog ako  ng mahimbing.

Huwebes, Disyembre 12, 2013

syempre ^_^

Sa araw na ito,maayos at maganda naman ang takbo ng lahat :)nakinig at may natutunan naman ako sa ibat ibang asignatura sa aming klase. umuwi ako ng maaga dahil nagutom ako sa araw na ito :") dami kasing nangyari eh .

Miyerkules, Disyembre 11, 2013

YeHEY ! ^_^

Sa araw na ito , Pumasok ako ng maaga sa eskwelahan :) yehey pansin ko hindi na ako nahuhuli sa klase.
sa asignaturang filipino ang aming pangkat ang naatasang mag-ulat ng paksang tatalakayin sa araw na ito kaya naman medyo kabado lang po :) pero ayos lang sa tingin konaman naintindihan naman nila inulat namin ni bess jha :).Syempre pagkagaling sa eskwela diretso uwi agad . :)

Martes, Disyembre 10, 2013

hayahay po ! ^_^

Sa araw na ito,maayos naman akong nakapasok sa eskwelahan :') nakapag almusal at hindi ako nahuli sa pagpasok.
Pinauwi kami ng maaga ng aming mga guro dahil may gaganapin na programa sa aming paaralan kaya naman ang haba ng oras ko para matulog pagkagaling sa eskwela ^_^

Lunes, Disyembre 9, 2013

Kinagisnang Balon ni Andres Cristobal Cruz





1. Sinasabing walang lampin sa purok ng Tibag na hindi nilabhan sa tubig na sinasalok sa malalim, malaki't matandang balon. 2. Sinasabing walang nagluto ng pagkain at naghugas ng kinanan sa Tibag na hindi gumamit ng tubig sa balong iyon. 3. Sinasabing walang naligo sa Tibag na hindi nagbuhos ng malinis at malamig na tubig na siyang biyaya ng matatandang balong tisa. 4. Anupa't masasabing walang isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi uminom o binindisyunan ng tubig na galing sa kanilang balon. 5. Kung iisipin, masasabi rin na ang buhay at kamatayan ng mga taga-Tibag ay nasa balong iyon. 6. Mahalaga nga ang gayon, ngunit ang bagay na ito'y hindi nila pinag-uukulang masyado ng pansin. Sa kanila, ang balon ay bahagi ng kanilang buhay at kapaligiran, bahagi na ng kanilang mga kinagisnang alamat at mga paniniwala't pamahiing imumulat nila sa kanilang mga anak, at imumulat naman na mga ito sa susunod nilang salinlahi. 7. Walang nakatitiyak kung kailan hinukay ang balong iyon. 8. "Noon pang panahon ng Kastila," anang matatanda. 9. "Hindi pa kayo tao, nandiyan na 'yan," giit naman ng iba. 10. At parang pagpapatunay, patitingnan ang mga tisang ginamit sa balon. Kauri raw at sintigas ng mga ginamit sa pader ng Intramuros o kaya'y sa mga pinakamatatandang simbahang katoliko sa Pilipinas. 11. Ipaglalaban naman ng iba na ang balon ay hinukay, o sa lalong wastong salita ay ipinahukay ng mga maykapangyarihan noong panahon ng mga Amerikano.Katunayan daw, maraming bayan sa Pilipinas, lalo na sa Luzon, ang may mga balong katulad ng nasa Tibag. Kaya naman daw matatagpuan ang mga ganitong balon sa labas ng mga matatandang bayan ay upang madaling masugpo ang kolerang ilang beses nang kumalat sa buong kapuluan at umutas ng libu-libong pagkukunan ng tubig ay nasa labas ng bayan, porlomenos, madali ang pagsugpo sa kakalat na makamandag na kolera. 12. May kalabuan man, kung sa bagay, ang ganoong pala-palagay, wala namang magagawa ang mausisa. Basta't iyon daw ang paniwalaan, tapos ang kuwento! 13. Ganoon din ang ibubulyaw ng mga matatandang pikon kung kokontrahin mo sila sa kanilang pananakot. Kung gabi raw na madilim, lalo na kung patay ang buwan, may malignong lumilitaw sa may balon. 14. Magtago ka raw at sumilip sa likod ng mga punong kakawate, kung minamalas ka, makikita mo na lamang at sukat ang isang pagkaganda-gandang babae sa may balon. May inaaninaw daw itong mukha ng kung sinong katipang nalunod o maaaring nilunod sa balon noong panahon pa ng mga Kastila. Minsan naman daw, mga kung anu-anong hayop ang nagsisilabasan sa may balon at nag-uungulan. 15. At ano bang mali-maligno! Naisipan daw ng ilang kabinataan ang magpahatinggabi sa likod ng mga punong kakawate. At ano ang natuklasan nila? Ang nananakot ang siyang natakot. At nang magkabistuhan na, humangos daw itong may kinakapkap na kung ano at hinabol ng mga nakatuklas. Hindi matapus-tapos ang sisihan nang makasal nang di oras ang dalawang "maligno" na walang iba kung di ang tanging biyudo't pinakamatandang dalaga sa Tibag. 16. Isa na iyon sa masasayang pangyayari sa balon ng Tibag. Sa may balon naglalaba't naliligo ang mga dalaga't kababaihan. Kung naroon na ang mga dalaga, panay naman daw ang hugas ng paa ng mga binata. Naroon na ang nakawan ng tingin, mga patalinghagang salitang sinusuklian ng saboy ng tubig o mga hindi natutuloy na pagbabantang magsumbong. Ang ingay ng mga batang nagsisipaligo, ng mga balding pumapalo sa gilid ng balon, mga pigil na hagikgik ng mga babae, harutan ng mga dalaga. 17. Marami ang makapagsasabi sa Tibag, ang buhay-buhay, tulad ng matandang balon, ay siya na nilang kinagisnan, kinamulatan pa rin ng kanilang mga anak at mamanahin pa rin ng mga anak naman nito. 18. Isa na sa mga makapagsasabi si Tandang Owenyong Aguwador. Siya lamang ang aguwador sa Tibag. Ang ibang sumasalok, may pingga at balde, ay para gamit lamang sa bahay. Gamit din sa bahay ang sinasalok ng mga dalagang nagsusunong ng banga ng inumin, balde o golgoreta. 19. Hanapbuhay ni Tandang Owenyong Aguwador ang pag-iigib ng tubig. Iniigiban niya ang ilang malalaking bahay sa Tibag at pinupuno din niya ang mga tapayan o dram ng mga talagang nagpapaigib sa mula't mula pa. Ito ang mga pamilyang kung nagpipista ay siyang pinakamaraming handa't bisita, mga nagiging hermano o punong-abala sa mga komite de festejos. Ito rin ang ipinag-iigib ng ninuno ni Tandang Owenyo. 20. Maglilimampung taong gulang na si Tandang Owenyo. Maiksi ang gupit ng kanyang kulay abong buhok. Pangkaraniwan ang taas, siya'y laging nakakamisetang mahaba ang manggas at kapit sa katawan. Matipuno at siksik daw ang katawan nito noong araw. 21. "Ba't naman di magkakaganoon e sa banat ang kanyang buto sa pagsalok n'on pa man," sabi ng iba. 22. "Di ba't 'yan 'kamo," dagdag ng ilan, "aguwador din?" 23. "Di ba't ang Ba Meroy ay aguwador din?" 24. "Aba, siyanga, ano?" 25. Ang pangalan ng ama ni Tandang Owenyo ay Ba Meroy. Namatay ito noong panahon ng Hapon. 26. "Pero 'ala pang giyera," pilit ng iba, "umiigib na ang Tandang Owenyo." 27. Minana na niya ang opisyong iyan." 28. "E, si Nana Pisyang Hilot? Di ba't sa balon sila…" 29. "A, oo! Doon niligawan ng Tandang Owenyo si Nana Pisyang. Ipagtanong mo." 30. "Labandera na noon si Nana Pisyang?" 31. "Labandera na. Ang ipinag-iigib ng Tandang Owenyo ang siyang ipinaglalaba naman ng Nana Pisyang. Kaya nga maganda ang kanilang istorya, e." 32. "Ang Da Felisang Hilot?" 33. "Aba, e labandera rin 'yon. Tinuruan naman niyang manghilot ang kanyang anak. '"Yan nga si Nana Pisyang." 34. "Tingnan mo nga naman ang buhay." 35. "Sa Amerika ba, merong ganyan?" 36. "Pilipinas naman 'to, e! Siyempre dito sa 'tin, pasalin-salin ang hanapbuhay." 37. "Mana-mana ang lahat." 38. "Si Ba Meroy aguwador, puwes, si Tandang Owenyong anak ay aguwador din." 39. "At si Nana Pisyang ng Da Felisa, labandera." 40. "Pero si Nana Pisyang humihilot din." 41. "Ow, ano ba naman 'yon? Di naman araw-araw e me nanganganak. Saka, bigyan mo na lang ng pangkape ang Nana Pisyang, tama na." 42. "Me pamamanahan na sila ng kanilang mga ikinabubuhay." 43. "Di nga ba't katu-katulong na ng Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng damit ang dalagita niyang si Enyang? Meron na siyang magsisiksgreyd." 44. "At si Narsing nila?" 45. A, si Narciso ba? Sayang. Tapos ng hayskul, hindi na nakapagpatuloy." 46. "Ow tama na 'yon. Tapos ka't hindi, pareho rin." 47. "Si Narsing ang me ulo. Laging me dalang libro e!" 48. "Sa library nga raw sa kabayanan nagbabasa't humihiram ng libro." 49. "Minsa'y nakita kong may kipkip na libro. Tinanong ko kung ano." 50. "E. ano raw?" 51. "Florante at Laura daw." 52. "Tingnan mo nga 'yan. Sayang na bata. May ulo pa naman." 53. "Balita ko'y ayaw mag-aguwador." 54. "Nahihiya siguro. Biruin mo nga namang nakatuntong na halos sa kolehiyo at sa paaaguwador mapupunta. Ba't nga naman iyong iba. Karabaw inglis alam e mga tente bonete na." 55. "Kayo, pala, oo! Para naman kayong bago nang bago sa Pilipinas. Pa'no me malalakas na kapit 'yon!" 56. "Di aguwador din ang bagsak ni Narsing!" 57. NAGHIHIMAGSIK si Narsing. Ayaw niyang pumasan ng pingga. Totoo nga na umiigib siya. Ngunit iyon ay para gamit lamang nila sa bahay. At gusto pa niyang bitbitin ang dalawang balde kaysa gumamit ng pingga. 58. Sabi ng mga matatandang babaing naglalaba sa may balon, kung magpingga lamang si Narsing mapagkakamalan daw itong si Tandang Owenyo noong bagong tao pa ito. Iyon din ang palagay ng mga nagkakahig ng sasabungin,ng mga naghuhuntahan sa harap ng tindahang sari-sari sa tapat ng lumang kapilya. 59. Kung naririnig ni Narsing ang gayong sabi-sabi lalo lamang sumisidhi ang kanyang paghihimagsik. At ito'y may kasamang malalim na hinanakit. 60. Nagsasampay ang kanyang ina nang siya'y magpaalam isang umaga. Ang apat na alambreng sampayan ay lundung-lundo sa bigat ng malalaking sinampay. Hindi na nakita ni Narsing na ang sampayan ay nawalan ng laman, na ang damuhan sa may gilid ng bakod na siit ay walang latag na kinula. Sa kabilang gilid ng bakuran hanggang sa duluhang papunta sa bukid ay gumagapang ang kamoteng putpot, na ang talbos ay naagad. May kapirasong balag na ginagapangan naman ng upo. 61. Binigyan si Narsing ng kanyang inang Nana Pisyang ng konting babaunin. Ito'y naipon sa paglalaba't sa pinagbilhan ng ilang upo at talagang inilalaan para sa susunod na pasukan ng mga bata. 62. Nakituloy si Narsing sa isang tiyuhin sa Tondo, sa Velasquez. Sa area, naglalakad siya't naghahanap ng mapapasukan… Kahit na ano, huwag lamang pag-aaguwador. Nakaranas siya ng gutom, ngunit nagtiis siya. Kung anu-anong kumpanya't pagawaan ang kanyang sinubukan. Pulos naman NO VACANCY at WALANG BAKANTE, ang nakasabit sa mga tarangkahan at pintuan ng mga pinupuntahan niya. 63. Hindi lamang pala siya ang nabibigo. May nakakasabay pa siyang madalas na mga tapos ng edukasyon at komers. Ang mga ito'y me dala pang sulat na galing sa ganoo't ganitong senador o kongresman. Natatawang ibig maluha ni Narsing. Binabale-wala na pala ng mga ito kahit na pirma ng mga pulitiko. Maski siguro si Haring Pilato ang nakapirma, talagang walang maibibigay na trabaho ang balanang puntahan ni Narsing. 64. Napadaan si Narsing sa isang malaking gulayan ng Intsik. Subukin na nga ''to, sabi niya sa sarili habang pumapasok siya sa isang ektarya yatang gulayan na binakuran ng mga alambreng matinik. Kinausap niya ang Intsik na nakita niyang nagpapasan ng dalawang lalagyan ng tubig na tabla. Taga-alis ng uod, magpala o magpiko sabi ni Narsing sa Intsik. 65. "Hene puwede," sagot ng Intsik, "hang lan akyen tlamaho. Nahat-nahat 'yan akyen lang tanim, dilig." 66. "O, paano, talagang wala?" sabi ni Narsing at napansin niyang tumigas ang kanyang boses. Para siyang galit. 67. "Ikaw gusto pala ngayon lang alaw, ha," sagot ng Intsik. Nangingiti-ngiti. "Akyen gusto lang tulong sa 'yo. 68. "O sige, ano?" 69. "Ikaw, kuha tubig, salok sa balon, dilig konti. Ikaw na gusto?" 70. Ibinigay ng Intsik ang kanyang pinipinggang pinakaregadera. 71. Kinabukasan ng hapon nagpaalam si Narsing sa kanyang tiyahing nasa Velasquez. Sumakay na siya ng trak pauwi sa kanilang bayan sa lalawigan, sa Tibag.Pangkaraniwan na sa Tibag ang nabibigo sa paghahanap ng trabahong bago at hindi minana. Habang daan ay inisip-isip niya kung paano niya maiiwasan ang kanyang mamanahing hanapbuhay na halos pantawid-gutom lamang, ang isang kalagayang pagtitiis mula sa umpisa hanggang sa katapusan, walang kamuwangan, hirap, at laging nakasalag, kung hindi sa kabutihang loob ng ilan, sa pagsasamantala naman ng marami. 72. Mabuti pa, sabi ni Narsing sa sarili, hindi na 'ko nakapag-aral. Parang nabuksan ang kanyang isip at guniguni sa sanlibu't sanlaksang kababalaghan ng kalikasan at sa maraming paghahamon ng buhay na di niya maubos-maisip kung paano mapananagumpayan. 73. Magtatakip-silim na nang dumating siya sa Tibag. Dinumog siya ng mga paslit na nagtatanong kung mayroon siyang dalang pasalubong. Wala, wala siyang dala. 74. Ang sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na nag-ahin ng hapunan sa lumang dulang. Habang sila'y kumakain, naramdaman ni Narsing na naghihintay ang kanyang ama't ina ng kanya pang isasalaysay tungkol sa kanyang paghahanap ng trabaho sa Maynila. Ano naman ang maibabalita niyang hindi pa nila nalalaman tungkol sa kahirapan ng paghahanap ng trabaho? 75. Inalok siya nang inalok at pinakakaing mabuti ng kanyang ina. Animo'y nagkandagutom siya sa Maynila. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang amang nasa kabisera ng dulang. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa kanyang nasasaksihan. Nag-aagawan ang mga paslit sa ulam. Tipid na tipid ang subo ng kanyang ama't ina. Marami pa silang inom ng tubig kaysa sa subo ng kanin. Ang ulam nila'y kamatis at bagoong na may talbos na naman ng kamote, isang mangkok na burong mustasa at ilang piniritong bangus. Maya't maya ay sinasaway ng kanyang ina ang mga batang parang aso't pusa sa pag-uunahan sa pagkain. Sa buong Tibag, sila lamang marahil ang hindi halos nagkaroon ng mumo sa dulang. Noong araw, hindi sila ganoon. Ngayon, kung magsabaw sila sa sinigang o minsan sang buwan nilagang karne, halos sambalde ang ibubuhos na tubig para dumami ang sabaw. Habang lumalaki't dumarami ang subo ng mga bata, dadalang naman nang dadalang at liliit ang subo ng kanyang ama't ina. Siya man ay napapagaya na sa kanila. 76. Ang ganoong tagpo ay kanyang pinaghihimagsikan. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsik kung nasasaksihan niya ang kanyang mga kapatid na palihim na waring nagsusukat ng mga damit na mahuhusay na ipinaglalaba't ipinamamalantsa ng kanilang ina. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsk na matapos na sa pagiigib ng kanyang ama at napapansin niyang dumarami ang kulubot sa ulo kung nakikita itong pasan-pasan ang pingga't dalawang balde na animo'y isang Kristo sa pagkakayuko na ang paghihirap ay wala nang katapusan. 77. Noong gabing iyon. nagkasagutan sila ng kanyang ama. Nakaupo si Narsing sa unang baytang sa itaas ng kanilang mababang hagdan. Nakatingin siya sa duluhan ng bakuran. Iniisip niyang harapin pansamantala ang pagtatanim ng gulay. Nalingunan na lamang niyang nakatayo ang kanyang ama sa may likuran niya. 78. "Gayon din lamang," mungkahi ng kanyang ama sa malumanay na boses, at ibig mong maghanapbuhay, subukin mong umigib." 79. May idurugtong pa sana ang kanyang ama, ngunit hindi na nakapigil si Narsing. Malakas at pasinghal ang kanyang sagot. 80. "Ano ba naman kayo! Aguwador na kayo, gusto n'yo pati ako maging aguwador!" 81. Napatigagal ang kanyang ama. Ang kanyang ina'y napatakbo at tanong nang tanong kung bakit at ano ang nangyari. 82. Minumura siya ng kanyang ama. "Bakit?" wika nitong pinaghaharian ng pagdaramdam at kumakatal ang tinig. "Ano ang masama sa pag-aaguwador? Diyan ko kayo binuhay!" 83. Nakatayo na sana si Narsing, ngunit sinundan siya ng kanyang ama't buong lakas na hinaltak at inundayan ng sampal. Parang natuklap ang mukha ni Narsing, Itinaas niya ang isa niyang kamay upang sanggahin ang isa pang sampal. Nakita niyang nagliliyab ang mga mata ng kanyang ama. 84. Sumigaw ang kanyang ina. may kasama itong iyak. Yakap siyang mahigpit ng kanyang ina. Huwag daw siyang lumapastangan. Pati ang mga bata'y umiiyak at humahagulgol na parang maliit na hayop. 85. Lumayo ang kanyang ama't iniunat ang katawan sa isang tabi ng dingding na pawid. Dinig na dinig pa rin ang kanyang sinasabi. 86. Nag-aral ka pa naman, sayang. Oy, kung me gusto kang gawin, sige. Di kita pinipigil. Darating din ang araw na mararanasan mo rin… mararanasan mo rin." 87. Kung anu-anong balita ang kumalat sa Tibag. Kung umiigib si Narsing ng tubig para sa kanilang bahay hindi siya pinapansn ni binabati tulad ng dati. Ganoon din ang kanyang ama. Waring nahihiyang magtanung-tanong ang mga tao, ngunit hindi nahihiyang sa kani-kanilang sarili'y magpalitan sila ng tsismis at mali-maling palagay. 88. ISANG linggo pagkatapos ng pagkakasagutan nilang mag-ama, ang Tandang Owenyong ay nadisgrasya sa balon. Nadupilas ito at mabuti na lamang daw at sa labas ng balon nahulog. Kung hindi raw, patay. Ang dibdib ng matanda ay pumalo sa mga nakatayong balde at ito'y napilayan. Nabalingat naman ang isang siko niya. Sabi ng marami ay nahilo ang matanda. Ang iba'y nawala sa isip niya ang ginagawa. 89. Nilagnat pa si Tandang Owenyo. Ipinatawag na ang pinakamahusay na manghihilot na tagaibayo. Nakikiigib ang mga iniigiban ni Tandang Owenyo sa iba. Kailan daw ba iigib uli ang matanda. Walang malay gawin ang ina ni Narsing. Ang kanilang dati nang malaking utang sa tindahan ni Da Utay ay lalong lumaki sa pagkakasakit ng matandang aguwador. 90. Isang hapong umiigib si Narsing ng gamit sa bahay ay may naglakas-loob na nagtanong kung magaling na ang kanyang ama. Bakit daw hindi pa siya ang sumalok. Sayang daw kung ang kinikita ng ama niya'y sa iba mapupunta. 91. Hindi nanlilibak o sumasaring ang pagkakasabi noon. Iyon, sa palagay na ni Narsing, ay patotoo sa paniwalang siya ang talagang magmamana sa gawaing iyon ng kanyang ama. 92. KINABUKASAN, hindi nangyari ang inaasahang mangyari ni Narsing. Hindi siya tinukso ni pinagtawanan at kinantiyawan. Nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang kanyang mga buto sa pag-aakyat-panaog sa mga hagdang matatarik, sa pagsalin at pagbuhat ng tubig. Siya na ang umiigib. 93. Pabiling-biling si Narsing sa kanyang hinihigang sahig. Nakikita niya ang malalayong bituin. Narinig niya ang mga mumunting hayop at ang alit-it ng mga kawayang itulak-hilahin ng hangin. Sa malayo'y may asong kumakahol na parang nakakita ng aswang o ano. Hindi siya nakatulog. Marami siyang iniisip. Naalaala niya noong siya'y nasa hayskul. Bago siya maidlip, sa guniguni niya ay nakita niyaang kanyang sariling kamukha ng kanyang amang animo'y isang Kristong pasanpasan ang pingga't dalawang balding mabibigat. Naisipan din niyang taniman nang taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi na kanila't inuupahan na lamang. 94. Maaga pa'y bumaba na ng bahay si Narsing. At siya'y muling umigib. Mahapdi ang kanyang balikat. Humihingal siya't parang hindi na niya kayang ituwid ang kanyang mga tuhod. 95. Noong hapon, naghihintay si Narsing ng kanyang turno sa balon. Nagbibiruan ang mga dalaga't kabinataan sa paligid ng balon. May tumatawang nagsasabing binyagan ang kanilang bagong aguwador. 96. "Binyagan si Narsing!" sigaw ng mga nasa paligid ng balon, at may nangahas na magsaboy ng tubig.

Pinagkunan : http://tl.answers.com/Q/Ikalawang_Gantimpala-Kinagisnang_Balon_ni_Andres_Cristobal_Cruz

Linggo, Disyembre 8, 2013

Pagod daw eh ^_^

Sa araw na ito,Tanghali na akong gumising kunwari pagod sa paglalaba kahapon hahaha^_^kaya yon paggising ko kain kain din .wala akong masyadong ginawa sa araw na ito nanuod lng ng t.v at nakinig ng radyo.

Sabado, Disyembre 7, 2013

Si Judy labandera ! ^_^

Sa araw ng sabado matik na ! ''LABA LABA DIN PAG MAY TIME'' lagi naman eh.Haysst. Ang kuya kong batugan sa daigdig(EARTH) hayahay na naman siya gala gala din sabado daw eh.Syempre bago maglaba kain kain din muna diba .Alas 7 syete nag umpisang maglaba natapos ako ng alas dyes 10:00 ,pagkatapos nagluto pa ako ng tanghalian namin AYOS DIBA ;) pag uwi ng magaling kong kuya
yon kumain  siya napagod ata sa paggala haysst.medyo pagod kaya yun natulog ako maghapon ng araw na iyon .:')

Biyernes, Disyembre 6, 2013

Medyo pagod po, ^_^

Sa araw na ito, gumising ako ng maaga para makapagluto ng almusal ko dahil kantiner ako mamaya sa eskwelahan,kailangan ko ng bonggang bonggang lakas ^_^ .Maganda naman ang pagtalakay namin sa ibat ibang asignatura sa aming klase.Umuwi ako ng maaga lagi naman eh,syempre kakain ulit tapos magpapahinga lang ng ilang minuto tapos babalik na ulit sa eskwelahan para magkantiner.pagod akong umuwi ng bahay kaya naman kumain ako agad ng maaga at natulog na :)

Huwebes, Disyembre 5, 2013

haysst,medyo hindi maganda pakiramdam .

Sa araw na ito ,5:20 ako nagising kaya naman nagmadali akong maligo at hindi na ako nakapag almusal ^_^.nakapasok ako sa paaralan ng medyo huli ng ilang minuto,hindi nabilang eh nakalimutan ko kasi ang relo ko sa sobrang pagmamadali :).
sumakit ang aking ulo sapagkat ang aking mga kamag aral ay sobrang ingay eh hindi ako nakapag almusal kaya wala ako sa wisyo ng mga panahon iyon.^_^ Umuwi ako agad ng bahay pagkaggaling sa eskwela sapagkat nais kong magpahinga,kumain at matulog :).

Miyerkules, Disyembre 4, 2013

Ok naman,nakapag almusal naman po ^_^

Sa araw na ito ,pumasok akong maaga sa eskwelahan nakapagalmusal po ako ^_^.Sa asignaturang filipino ay tinalakay namin ang teoryang feminismo kung saan tumutukoy ito sa kalakasan at kahinaan ng mga kababaihan,kasama ko ang aking mga kaibigan at amin itong pinaguusapan medyo nakakatawa kasi kanya kanya  kaming diskusyon ukol dito.
Umuwi ako ng maaga pagkagaling sa eskwela dahil ako'y medyo pagod at gustong matulog maghapon ^_^.

Martes, Disyembre 3, 2013

Wala eh,Busog Eh . ^_^

Sa araw na ito ay masaya akong gumsing sa umaga sapagkat napasarap ang aking tulog kaya naman limang minuto akong huli  sa klase ganun pa man,masaya parin ako nakapag-almusal ako ng bonggang bonga ''BUSOG SA UMAGA''.Pagkaggaling sa eskwela ay umuwi ulit ako ng maaga sapagkat madami akong gagawing takdang aralin at portpolyo sa ibat ibang asignatura ''MEDYO PAGOD LANG ''

Lunes, Disyembre 2, 2013

Banyaga ni Liwayway Arceo





MUKHANG ARTISTA! Artista nga ba? Artista?
Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon – kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.
At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok. Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong.
“Serbesa ba ‘kama, bata ka, ha?”
Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinigtong niya ang paliwanag. “Hindi masama’ng amoy, Nana.”
Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang siya.
“Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!” at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale.
Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso.
“Sino kaya’ng magmamana sa mga pamangkin mo?” tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang. “Ang panganay sana ng Kua mo...matalino...”
“Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa ‘kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan...” Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.
“Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka...” ayon ni Nana Ibang.
“Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba ‘ko sa timpalak na ‘yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?” Malinaw sa isip ang nakaraan.
Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok. “Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka?”
“Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba’y gano’n dito?” at napangiti siya. “Ang alas-tres, e, alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika...”
“Naiinip ka na ba/” agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi.
“Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din ngayon sa Maynila.”
“Ano? K-kahit gabi?”
Napatawa si Fely. “Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa Maynila pa? Ilang taon ba ‘kong wala sa Pilipinas? Ang totoo...”
Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina.
Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.
“Ayan naman ang kubyertos...pilak ‘yan!” hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. “ ‘Yan ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit...”
Napatawa siya. “Kinikutsara ba naman ang alimango?”
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbago ng loob, di sana’y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating...
Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya – ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.
Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong.
“Sa kotse n,” ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat...baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.
Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang.
“Ako nga si Duardo!”
Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo.
“Bakit hindi ka rito?” tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. “May presidente ba ng samahan na ganyan?”
“A...e...” Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. ‘A-alangan...na ‘ata...”
Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.
“Natutuwa kami at nagpaunlak ka...” walang anu-ano’y sabi ni Duardo, “Dalawampu’t dalawang taon na...”
“Huwag mo nang sasabihin ang taon!” biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa. “Tumatanda ako.”
“Hindi ka nagbabago,’ sabi ni Duardo. “Parang mas...mas...bata ka ngayon. Sayang...hindi ka makikita ni Menang...”
“Menang?” napaangat ang likod ni Fely.
“Kaklase natin...sa apat na grado,” paliwanag ni Duardo. “Kami ang...” at napahagikhik ito. “Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...’
“Congratulations!” pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.
“Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon,” patuloy ni Duardo nang hindi na siya kumibo. “Ibang-iba kaysa...noon...”
“Piho nga,” patianod niya. “Hindi naman kasi ‘ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa ‘kong nagmamadali...”
“Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita...”
Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.
At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.

Pinagkunan : http://markjan-markjan.blogspot.com

Tsk Tsk.nagutom tuloy ako ! ^_^

Ngayong araw ng lunes ay gumising ako ng maaga para makapagluto ng almusal ko sa kasamaang palad nakapagbati na ako ng itlog na lulutuin ko ngunit pagbukas ko ng gasul namin ay ''NGANGA''wala na siyang laman kaya naman hindi ako nakapag almusal .NAKAKABUANG  ang hindi pag-aalmusal sa umaga kaya naman bumili na lang ako sa kantin busog naman kahit papaano :').Pagkagaling sa eskwela ay umuwi agad ako dahil gutom na ako :') buti na lang ang mabait kong kuya ay nilutuan na ako ng tanghalian kaya naman HAYAHAY ANG BUHAY ! ^_^.

Linggo, Disyembre 1, 2013

Sarap naman oh .! ^_^

Ngayon ay araw ng linggo kaya naman kami ay nagsimba.
Dahil narin minsan lamang umuwi si mama sa bahay ,si mama ay nagluto ng masarap na ADOBONG MANOK na paborito ko ! ^_^
kaya mahal na mahal ko ang nanay ko eh . pagkatapos namin kumain kami ay nanuod lang ng t.v at nagpahinga dahil si mama ay babalik na kinabukasan sa quezon kung saan siya nagtatrabaho :')