Pagsusuring ng pelikulang ''Bakit hindi ka crush ng crush mo
Ang Pamagat na ''Bakit Hindi Ka Crush ng Crush mo'' ay mula sa akdang ginawa ng awtor na si Ramon Bautista na isinapelikula naman ng direktor na si Joyce Bernal.
na pinangunahan ng mga batikang artista na sina( kim chui) bilang Sandy,(Kian Cipriano)bilang edgardo (Xian Lim) bilang alex.
Si Sandy (Kim Chui), isang "modern-day ugly duckling" na kina-aadikan ang kanyang boyfriend na si Edgardo(Cipriano). Matapos ang kanilang hiwalayan, nagging wasak si Sandy at na-apektuhan ng tudo ang kanyang trabaho. Ang boss naman niyang si Alex(Xian Lim), ay kababalik lang galling Amerika mula sa matinding pagka bigo. Naging mahirap kay Sandy ang kalagayn nya ng sinibak siya ng kanyang Kompanya sa ilalim ng pamumuno ng bago nitong C.E.O. na si Alex. Kaso, nung malaman ni Alex na nagkamali pala siya sa pag sesanti kay Sandy, pinabalik din naman niya ito. Nagkaroon ang dalawa ng kasunduan. Kung tutulungan ni Sandy si Alex na mabalik ang tagumpay ng kanilang kompanya, papagandahin nya ito. At ditto nag simulang magh bago ang pagtitinginan ng dalawa sa isa't isa. Hindi namalayan ni Alex na, na-iinlove na pala siya kay Sandy. Kung kaya't nasaktan niya ito, at lumayo si Sandy kay Alex. Gumawa si Alex ng paraan upang mapatawad pa sya ni Sandy. Hangang sa nagkabalikan silang dalawa at totoong nagging magkasintahan na.
Ang pamagat palamang ng pelikulang ito ay sadya naman talagang napaka interesanteng panoorin.Marahil ay ilan lamang ito sa mga tanong ng mga taong may pinagdaraanan sa buhay pag ibig nila.maiintriga agad ang mga manonood kung ano ang bagong sasabihin nito patungkol sa pag-ibig.Sinasaad ng kwentong ito kung paano bumangon ang isang babae na dati ay isang talunan na ngayon ay naging isa ng matagumpay at matatag na babae sa larangan ng pag-ibig .
Marahil ay malalim ang mensahe ng pelikulang ito tungkol sa pagharap sa katotohanan ng pag ibig ,subalit dahil sa pelikulang ito ay may mga bagay rin tayong mapagtatanto at matutunan.
Talaga namang Kawili wiling panoorin ang pelikulang ito sapagkat mahusay na ginampanan ng mga mahuhusay na aktor at aktres.
Miyerkules, Marso 12, 2014
Pagsusuring Basa
''Isang Dosenang Klase ng High School''Mula sa akda ng isa sa mga paborito kong awtor na si Bong Ong.Pamagat pa lamang ay talaga naman mapapaisip ka na kung ano ano nga ba ang isang dosenang klase ng high school na tinutukoy sa pamagat isa kaya tayo sa mga ito?marahil ay oo :).
inilalarawan ng akdang ito ang ibat ibat uri ng mga estudyanteng high school,una na nga rito ang Clowns- Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na.
Geeks- Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi.
Hollow Man- May dalawang uri ng HM virus, ang type A at type B. Ang type A ay mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type B naman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot sa mga quiz, hollow ang utak.
Spice Girls- Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break.
Da Gwapings- Ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute.
Celebrities- Politicians, athletes, at performers. Politicians ang mga palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskwelahan at kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra.
Guinnees- Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan.
Leather Goods- Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon.
Weirdos- Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian.
Mga Anak ni Rizal- Ang endangered species sa eskwelahan. Straight ‘A’ students, pero well rounded at hindi geeks.
Bob Ongs- Mga medyo matino na medyo may sayad.
Commoners- Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan.
Habang binabasa ko itong akdang ito ay talaga namang nakakaganang basahin kapansin pansin na kawili wili itong basahin lalong lalo na bilang isang estudyante ng isang pampublikong paaralan.
ang akdang ito ay hindi lamang para sa mga estudyante o kaabatan kundi para sa lahat,dahil sa akdang ito ay may mapupulot tayong aral na bilang isang estudyanteng high school ay dapat lamang nating enjoyin ang high school life natin,subalit dapat ay alam rin naten ang limitasyon ng mga bagay bagay sa paligid natin kaakibat nito ang responsibilidad at inspirasyon natin sa buhay ng sa gayon ay matupad natin ang ating mga ninanais at pangarap.
Lunes, Enero 13, 2014
ANG PAMANA ni Jose Corazon De Jesus
Minsan ang ina ko’y nakita kong namamanglaw,
naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan,
Nakita ko ang maraming taon noong kahirapan
Sa guhit ng kanyang pisnging lumalalim araw-araw,
Nakita kong ang ina kong tila mandin namamanglaw
At ang sabi itong piyano’y say’o ko ibibigay
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan
Mga silya’t aparador sa kay Tikong ibibigay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha.
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa
Subalit sa king mga mata’y may namuong mga luha
Ni hindi ko mapigilan at hindi ko masansala
Naisip ko ang ina ko, ang ina kong kaawa-awa
Tila kami ay iiwan na’t may yari ng huling nasa.
Na sa halip na magalak sa pamanang mapapala
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kawawang bata’t
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
Ang ibig ko sana Nanay, ikay aking makapiling at
Huwag ko nang makitang ika’y nalulungkot mandin
Oh ina ko, ano ba at naisipang pagahtiin ang mga
kayamanag maiiwan mo sa amin?
Wala naman yaong sagot, baka ako ay tawagin,
ni Bathala nag mabuti malaman mo ang habilin
itong piyano mga silya at salamin,
pamana ko na sa inyo mga bunsong ginigiliw.
Ngunit Inang ang sagot ko, ang lahat ng kayamanan
at kasangkapan ay hindi ko kailangan.
Aaanhin ko ang piyano kapag ika’y namatay
ni hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay.
Ang ibig ko’y ikaw inang at mabuhay ka na lamang
ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
ni hindi ka maaaring pantayan ng daigdigan,
ng lahat ng ginto rito,
pagkat ikaw o ina ko, ika’y wala pang kapantay.
Unang araw ng ikapaat na markahan ^_^
Ngayong araw na ito,nagising ako ng maaga,nag-almusal,naligo at nag ayos ng gamit .Lunes na naman may ''flag ceremony''kaya kailangang hindi mahuli.Unang araw ngayon ng aming ikaapat na markahan nagtsek kami ng aming mga pagsusulit sa ibat ibang asignatura.Pagkagaling sa eskwela ay umuwi ako agad sumasakit kasi ang aking ulo simula pa kaninang umaga kaya pala ang init init ng ulo ko kanina sa aking mga kamag aaral eh. bukod sa unang araw ng aming ikaapat na markahan ay unang araw ko rin ngayon hehehe ^_^ oh diba nakakainis,kumain agad ako paguwi ko ng bahay at natulog na lamang maghapon .
Linggo, Enero 12, 2014
Mabuti naman ^_^
Ngayong araw na ito ay nagising ako ng tanghali paggising ko ay nakahanda na ang almusal at gamot ko sa lamesa kaya naman sabay sabay kaming kumain at mabuti buti narin naman ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon kahit papaano,pagtapos kumain ay ako na ang naghugas ng plato at naglinis narin ako ng bahay .Pagdating ng hapon ay inumpisahan ko ng ayusin ang mga gamit ko dahil lunes na naman bukas,ako na ang nagluto ng aming hapunan at sabay sabay kaming kumaing magkakapatid pagkatapos ay uminom na ako ng gamot at natulog.
Sabado, Enero 11, 2014
Kuya kong mabait ^_^
NGayong araw ng sabado ay nagising ko ng maaga inayos ko ang aking mga labahin siyempre sabado na naman ulit si judy labandera na naman ako,pero kahit anong pilit ko na gumalaw galaw ay nahihilo parin ako masama parin ang pakiramdam ko kaya naman ang mabait kong kuya ang naglaba ,sinabi niya sa akin na nahiga na lang ako at magpagaling si kuya rin ang nagluto ng aming kakainin sa araw na iyo buti na lang at may kuya ako :).
Biyernes, Enero 10, 2014
Huling araw ng Pagsusulit .^_^
Ngayong araw na ito ang ikalawa at huling araw ng aming pagsusulit sa ikatlong markahan,kaya naman gumising talaga ako ng maaga at maagang nag almusal,naligo at naghanda ng gamit ko.Pagdating ko sa paaralan ay may kaunti pang oras para magbalik aral,kasama ang aking mga kamag aral ay sama sama kaming nagbahagi ng kanya kanyang alam :) lalong lalo na sa mahihirap na asignatura tulad ng matematika :).
Natapos ang aming pagsusulit ng iksaktong ala onse kaya naman pagkagaling sa eskwela ay umuwi ako kaagad at nahiga medyo masama kasi ang aking pakiramdam ng mga oras na iyon paggising ko ay tsaka ako kumain uminom ng gamot at natulog ulit.
Natapos ang aming pagsusulit ng iksaktong ala onse kaya naman pagkagaling sa eskwela ay umuwi ako kaagad at nahiga medyo masama kasi ang aking pakiramdam ng mga oras na iyon paggising ko ay tsaka ako kumain uminom ng gamot at natulog ulit.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)