Miyerkules, Marso 12, 2014

Pagsusuring Basa


''Isang Dosenang Klase ng High School''Mula sa akda ng isa sa mga paborito kong awtor na si Bong Ong.Pamagat pa lamang ay talaga naman mapapaisip ka na kung ano ano nga ba ang isang dosenang klase ng high school na tinutukoy sa pamagat isa kaya tayo sa mga ito?marahil ay oo :).

inilalarawan ng akdang ito ang ibat ibat uri ng mga estudyanteng high school,una na nga rito ang Clowns- Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na.
Geeks- Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi.
Hollow Man- May dalawang uri ng HM virus, ang type A at type B. Ang type A ay mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type B naman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot sa mga quiz, hollow ang utak.
Spice Girls- Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break.
Da Gwapings- Ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute.


Celebrities- Politicians, athletes, at performers. Politicians ang mga palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskwelahan at kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra.
Guinnees-  Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan.
Leather Goods- Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon.
Weirdos- Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian.
Mga Anak ni Rizal- Ang endangered species sa eskwelahan. Straight ‘A’ students, pero well rounded at hindi geeks.
Bob Ongs- Mga medyo matino na medyo may sayad.
Commoners- Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan.

Habang binabasa ko itong akdang ito ay talaga namang nakakaganang basahin kapansin pansin na kawili wili itong basahin lalong lalo na bilang isang estudyante ng isang pampublikong paaralan.
ang akdang ito ay hindi lamang para sa mga estudyante o kaabatan kundi para sa lahat,dahil sa akdang ito ay may mapupulot tayong aral na bilang isang estudyanteng high school ay dapat lamang nating enjoyin ang high school life natin,subalit  dapat ay alam rin naten ang limitasyon ng mga bagay bagay sa paligid natin kaakibat nito ang responsibilidad at inspirasyon natin sa buhay ng sa gayon ay matupad natin ang ating mga ninanais at pangarap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento