Lunes, Enero 13, 2014

ANG PAMANA ni Jose Corazon De Jesus

Minsan ang ina ko’y nakita kong namamanglaw,
naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan,
Nakita ko ang maraming taon noong kahirapan
Sa guhit ng kanyang pisnging lumalalim araw-araw,
Nakita kong ang ina kong tila mandin namamanglaw
At ang sabi itong piyano’y say’o ko ibibigay
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan
Mga silya’t aparador sa kay Tikong ibibigay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.


Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha.
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa
Subalit sa king mga mata’y may namuong mga luha
Ni hindi ko mapigilan at hindi ko masansala
Naisip ko ang ina ko, ang ina kong kaawa-awa
Tila kami ay iiwan na’t may yari ng huling nasa.
Na sa halip na magalak sa pamanang mapapala
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kawawang bata’t
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.


Ang ibig ko sana Nanay, ikay aking makapiling at
Huwag ko nang makitang ika’y nalulungkot mandin
Oh ina ko, ano ba at naisipang pagahtiin ang mga
kayamanag maiiwan mo sa amin?
Wala naman yaong sagot, baka ako ay tawagin,
ni Bathala nag mabuti malaman mo ang habilin
itong piyano mga silya at salamin,
pamana ko na sa inyo mga bunsong ginigiliw.


Ngunit Inang ang sagot ko, ang lahat ng kayamanan
at kasangkapan ay hindi ko kailangan.
Aaanhin ko ang piyano kapag ika’y namatay
ni hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay.
Ang ibig ko’y ikaw inang at mabuhay ka na lamang
ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
ni hindi ka maaaring pantayan ng daigdigan,
ng lahat ng ginto rito,
pagkat ikaw o ina ko, ika’y wala pang kapantay.

Unang araw ng ikapaat na markahan ^_^

Ngayong araw na ito,nagising ako ng maaga,nag-almusal,naligo at nag ayos ng gamit .Lunes na naman may ''flag ceremony''kaya kailangang hindi mahuli.Unang araw ngayon ng aming ikaapat na markahan nagtsek kami ng aming mga pagsusulit sa ibat ibang asignatura.Pagkagaling sa eskwela ay umuwi ako agad sumasakit kasi ang aking ulo simula pa kaninang umaga kaya pala ang init init ng ulo ko kanina sa aking mga kamag aaral eh. bukod sa unang araw ng aming ikaapat na markahan ay unang araw ko rin ngayon hehehe ^_^ oh diba nakakainis,kumain agad ako paguwi ko ng bahay at natulog na lamang maghapon .

Linggo, Enero 12, 2014

Mabuti naman ^_^

Ngayong araw na ito ay nagising ako ng tanghali paggising ko ay nakahanda na ang almusal at gamot ko sa lamesa kaya naman sabay sabay kaming kumain at mabuti buti narin naman ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon kahit papaano,pagtapos kumain ay ako na ang naghugas ng plato at naglinis narin ako ng bahay .Pagdating ng hapon ay inumpisahan ko ng ayusin ang mga gamit ko dahil lunes na naman bukas,ako na ang nagluto ng aming hapunan at sabay sabay kaming kumaing magkakapatid pagkatapos ay uminom na ako ng gamot at natulog.

Sabado, Enero 11, 2014

Kuya kong mabait ^_^

NGayong araw ng sabado ay nagising ko ng maaga inayos ko ang aking mga labahin siyempre sabado na naman ulit si judy labandera na naman ako,pero kahit anong pilit ko na gumalaw galaw ay nahihilo parin ako masama parin ang pakiramdam ko kaya naman ang mabait kong kuya ang naglaba ,sinabi niya sa akin na nahiga na lang ako at magpagaling si kuya rin ang nagluto ng aming kakainin sa araw na iyo buti na lang at may kuya ako :).

Biyernes, Enero 10, 2014

Huling araw ng Pagsusulit .^_^

Ngayong araw na ito ang ikalawa at huling araw ng aming pagsusulit sa ikatlong markahan,kaya naman gumising talaga ako ng maaga at maagang nag almusal,naligo at naghanda ng gamit ko.Pagdating ko sa paaralan ay may kaunti pang oras para magbalik aral,kasama ang aking mga kamag aral ay sama sama kaming nagbahagi ng kanya kanyang alam :) lalong lalo na sa mahihirap na asignatura tulad ng matematika :).
Natapos ang aming pagsusulit ng iksaktong ala onse kaya naman pagkagaling sa eskwela ay umuwi ako kaagad at nahiga medyo masama kasi ang aking pakiramdam ng mga oras na iyon paggising ko ay tsaka ako kumain uminom ng gamot at natulog ulit.

Huwebes, Enero 9, 2014

Pasaway po eh .^_^

Ngayong araw na ito,siyempre gumising ako ng maaga,ngunit tinatamad pa akong tumayo kaya naman sinabi ko sa sarili ko na ilang minuto pa hehhe,paggising ko ay anong oras na naligo agad ako kahit at kumain at tumakbo na ako papunta sa paaralan ,nakakainis pagdating ko nag uumpisa na ang lahat sa pagsusulit kaya naman dali dali akong naupo at kumuha ng sagutang papel sa aming guro,buti na lamang at natapos ko agad bago ito ipasa.^_^ masaya naman ang pagsusulit sa araw na ito,karamihan sa binalik aral ko kagabi ay nandoon sa pagsusulit kaya naman karamihan sa tanong ay alam ko .:)Alas onse ng kami ay matapos sa pagsusulit at agad na kaming pinauwi ng aming guro.Pagkagaling sa paaralan ay umuwi ako agad,pag uwi ko sa bahay ay wala pang pagkain kaya naman nagluto na ako agad ng makakain,gutom na gutom na ako eh :) pagkatapos kong kumain ay naglinis ako ng bahay at tinapos ko na rin ang proyekto sa filipino na ipapasa na bukas.Pagdating ng hapon ay nagluto na ako ng aming hapunan  at agad na akong kumain pagkaluto.Bago matulog ay  inayos ko na ang aking mga  gamit para bukas at pinapaalala ko sa sarili ko na babangon na tlga ako ng maaga (hindi po ako baliw ha .:)) binuksan ko ang radyo at nakinig hanggang sa makatulog ako .^_^

Miyerkules, Enero 8, 2014

Subsub sa Pag aaral daw?? ^_^

Ngayong araw na ito,gumising ako ng maaga kasi alam ko na pundi parin ang ilaw sa aming banyo ,ang saya diba ang dilim eh .^_^ .haysst,pumasok ako sa paaralan ng hindi na huli heheh :) sa loob ng silid aralan ay ang dami dami namin kanya kanyang gingawa sa bagay araw na ng pagsusulit  bukas kaya naman kanya kanya ng diskarti sa pagbabalik aral sa aming mga tinalakay sa ibat ibang asignatura.pagkagaling sa eskwela ay umuwi ako agad :) kumain natulog at ng kinagabihan ay nagbasa basa pagkatapos ay nagdasal muna ako bago matulog ^_^

Martes, Enero 7, 2014

Nakakainis kaya ! ^_^

Ngayong araw na ito,nakakainis naligo ako pagbukas ko ng ilaw ayaw mabukas pundi na pala nakakainis tlga ,kaya naman agad agad akong kumuha ng ''flashlight''(flashlight na lang hindi ko kasi alam tagalog ng flashlight eh) ,pasensya na po ! ^_^ kaya naman nahuli ako ng kunti sa pagpasok sa paaralan kunti lang naman po.sa paaralan ipinagpatuloy namin ang aming pagbabalik aral sa mga asignaturapagkagaling sa paaralan ay umuwi ako agad lagi naman po eh,:) kumain at natulog lamang ako yun lamang po ^_^

Lunes, Enero 6, 2014

Pasukan na naman ^_^

Ngayong araw na ito,nagising ako ng maaga,nag almusal naligo at nagbihis maaga akong pumasok sa paaralan dahil sa balik eskwela na naman at may ''flag ceremony''.balik pasok na naman tapos na ang ''christmas vacation''^_^ haysst,yun dami kwento sa loob ng silid aralan  kanya kanyang karanasan kanya kanyang payabangan hehehe^_^ngayong araw rin na ito nasmin sinimulan ang pagbabalik aral sa aming mga asignatura para sa darating na pagsusulit sa huwebes .Natapos na lang ang aming klase ay hindi parin nauubos ang kanya kanyang baon na istorya ng aking mga kamag aaral :) .umuwi ako ng maaga kumain at nag ayos ng mga kailangang ipasa sa ibat iba naming asignatura huling pasahan na kaya naman aligaga ng kunti :) pagkatapos ay natulog na ako.^_^

Linggo, Enero 5, 2014

Makabuluhang araw ko^_^

Ngayong araw na ito,nagising ako ng maaga ,nagluto agad ako ng agahan naming magkakapatid sabay sabay kaming kumain ,pagtapos kumain ay naglinis na ako ng bahay at naligo.Pagdating ng tanghali ay di ko naaasahang may bibisita sa akin may dala siyang pagkain para sa akin nagkuwentuhan at nagtawanan lang kami maghapon habang inaayos namin yung mga kakailanganing gamit para sa eskwelahan sapagkat pasukan na naman bukas.Pagsapit ng ala singko ay agad na siyang umuwi ,agad din naman akong nagluto ng hapunan namin at nagligpit ko na rin ang mga gamit na dadalhin ko bukas,napakamakabuluhan itong araw na ito para sa akin :) hehehhe .pagdating ng ala sais ay agad na akong kumain mag isa sapagkat wala pa ang magagaling kong kapatid na gala :).nakikinig ako ng radyo inaantay ko na makatulog ako .^_^

Sabado, Enero 4, 2014

Pasaway na mga kapatid .^_^

Ngayong araw na ito nagising ako ng maaga upang magluto ng almusal sapagkat nakaramdam ako ng gutom dahil narinsiguro sa hindi ako nakakain kagabi pagtapos kong kumain ay agad ko ng inayos ang mga labahin ko hehehe ang bilis ng araw sabado na naman :).Natapos ako sa paglalaba bagomagtanghali pagkatapos kung mag sampay ay kumain ulit ako :) nanuod ng t.v natapos ko nang gawin lahat  habang ang mga kapatid ko ay tulog parin.hay naku !lagi naman .Gumising sila ng magtanghalian na kaya naman agad kaming kumain ahhaha kain ulit ako :) pagtapos kumain nahiga ako at nakinig na lamang ng radyo hanggang sa nakatulog na ako .Nagising na lamang ako ng biglang kumatok ang buso kong kaptid nilock ko pala yung pinto may dala siyang pagkain galing daw sa mga tita namin kaya naman kinain namin ito hahah kain ulit.Kinahapunan ay nagluto na ako ng kjakainin namin habang nunuod ako ng t.v inaantay kong du8mating ang mga kapatid ko ang tagal alas nueve na wala parin kaya naman nauna na akong kumain,pagpatak ng alas dyes sabang silang kumatok sa pinto hay naku,nagising ako sa pagkakatulog ko hindi ko napansing nakatulog na pala ako.Agad na kumain ang mga kapatid ko habang bumalik naman ako ulit sa pagkakatulog ko.:)

Biyernes, Enero 3, 2014

Mabait kong kuya ^_^

Ngayong araw na ito,gumising ako ng maaga naisipan kong magluto ng pansit sa unang pagkakataon  hahah :) wala lang naisip ko lang naman..Habng tulog pa ang aking mga kpatid ay sinimulan ko na ang paghihiwa sa mga kakailanganing sangkap :) nang simulan ko na ang pagluluto ay bigla namang nagising ang kuya ko at agad na kinuha sa akin ang sandok hahaahsiyana daw ang magluluto baka daw kasi maiyak siya sa luto ko :).Sabay sabay kamingkumain at nagtatawanan dahil sa pang aasar sa akin ni kuya ahahha.pero kahit ganoon pa man masaya ako dahil nagkaroon kami ng ''BONDING'' ni kuya haha.Pagtapos kong maghugas ng plato at maglinis ng bahay ay naisipan kong linisin ang  lalabo at cr namin inbabot ako ng hapon sapaglilinis kayanman pagtapos kong maglinis ay nahiga na agad ako at agad nman kaong nakatulog.

Huwebes, Enero 2, 2014

Kain tulog pa .! ^_^

Ngayong araw na ito ay wala naman akong masyadong ginawa naglinis,naligo,nagluto kumain ng kumain ng kumain  puro kain hanggang sa antukin at makatulog .:)

Miyerkules, Enero 1, 2014

balik sa dati ^_^

Ngayong araw na ito,tinanghali na kaming  lahat nagising kaya naman sabay sabay kaming kumain ng umagahan ng alas dyes:)Pagdating ng tanghali ay agad namang naligo at nagbihis si mama para bumalik na sa kanyang trabaho sa quezon,pero bago umalis si mama ay naligo at nagbihis din kaming magkakapatid at naisipan namin na pumunta muna sa mga kapamilya ni mama sa marikina bago siya bumalik sa trabhao ulit.umuwi rin kami agad,inihatid namin si mama sa sakayan niya .Paguwi ay natulog lang ako maghapon samantalang mnay kanya kanyang gala ng mga kapatid ko .,:)